May 2011
12 posts
2 tags
Kani-kanina lang...
(Kaka-baba ko lang ng jeep sa Quirino galing school. Tumatawid ako sa kabilang lane para sumakay ng bus pauwi ng biglang may naka-motor na lalakeng tumigil sa harapan ko. Sabi niya..)
Lalakeng naka-motor na tumigil sa harapan ko: Boy, na-holdap ka ba?
-
Ako: (Sa lakas ng ingay ng mga tunog ng mga sasakyan sa paligid hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Nakatitig lang, nagtataka, nagulat at sinabi kong...) Po?
-
Lalakeng naka-motor na tumigil sa harapan ko: Na-holdap ka ba?
-
Ako: (Kinakabahan, unti kong hinawakan ang bag ko at na-"get ready to run" pose.) Po?
-
Lalakeng naka-motor na tumigil sa harapan ko: Tinatanong ko kung na-holdap ka ba? Kasi parang may hinahabol ka.
-
Ako: (Napa-tingin sa jacket ng lalake. Naka-sulat "PULIS". Sumagot ako..) Hahaha, hindi po. Hinahabol ko lang ang bus na sasakyan ko po pauwi. Salamat po!
-
(Umalis ang Lalakeng naka-motor na tumigil sa harapan ko na pulis pala. Sumakay ako ng bus pauwi at nasa bahay na ako ngayon.)
Wala lang!
Maraming namamatay sa maling akala.
Paano maiiwasan ang maling akala?
iamlizelle asked: uy kuya, kumusta na? ^^